Maxey: IP Games larga sa Palawan

MULING matutunghayan ang mga tradisyunal na laro ng mga matatandang tribo sa Palawan sa ilalargang Indigenous People’s Games sa Puerto Princesa City.

The post Maxey: IP Games larga sa Palawan appeared first on Abante News Online.

maxey ip games larga sa palawan - Maxey: IP Games larga sa Palawan
Abante psc - Maxey: IP Games larga sa Palawan

MULING matutunghayan ang mga tradisyunal na laro ng mga matatandang tribo sa Palawan sa ilalargang Indigenous People’s Games sa Puerto Princesa City.

Pormal na binuksan ang natatanging programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangangasiwa ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez kamakalawa tampok ang parada ng mga kalahok at IP Forum na pinangunahan ni Mindanao State University (MSU)-Marawi City Professor Henry Daut sa VJR Hall of the Provincial Capitol.

Bibigyan kahalagahan ni Daut, isa ring PSC Consultant, ang usapin na “Restoring the Heritage, Reliving the Past, and Rekindling the Spirit.” Makikiisa rin si retired Professor Dr. Paul D. Jagmis, Sr. mula sa Municipality ng Aborlan para ipaliwanag ang Palawan IP Culture.

Ayon kay PSC Commissioner at Officer-in-Charge Charles Raymond A. Maxey, kabuuang 50 indibidwal sa iba’t ibang komunidad ng mga tribo sa lalawigan ang lalahok sa IP Forum bago simulan ang laro.

“We sent out invitation letters to the Palawan State University and Western State University for educators as well as students who are Social Science majors,” pahayag ni Maxey.

Iginiit nt Maxey na bahagi ng mandato ng PSC ang tulungan ang mga tribal leaders na mapanatili at malinang ang mga tradisyunal na laro sa kanilang komunidad. (Janiel Abby Toralba)

The post Maxey: IP Games larga sa Palawan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *