Mavs trip si Gallinari

INTERESADO raw ang Dallas Mavericks kay Danilo Gallinari, ang Italian sharpshooter ng Oklahoma City Thunder.

The post Mavs trip si Gallinari first appeared on Abante.

mavs trip si gallinari - Mavs trip si Gallinari
Danilo Gallinari - Mavs trip si Gallinari

INTERESADO raw ang Dallas Mavericks kay Danilo Gallinari, ang Italian sharpshooter ng Oklahoma City Thunder.

Katunayan, tinangka nang habulin ng Mavs si Gallinari noong February pero dumating at natapos ang trade deadline ay hindi natuloy.

Natapos ang season, unrestricted free agent na si Gallinari. Baka ito na ang pagkakataon para ituloy ng Dallas ang panliligaw sa 32-year-old.

Nag-average si Gallinari ng 19.3 points, 5.7 rebounds at 2.3 assists sa huling dalawang season kabilang noong nasa Clippers pa hanggang nalipat ng Thunder.

Kayang maglaro sa tres o kuwatro ni Gallinari, mainam ang pulso kahit saang sulok ng floor.

Magandang kumbinasyon kina Luka Doncic at Kristaps Porzingis.

Noong nakaraan ay naoobligang pumukpok sa opensa sina Dorian Finney-Smith at Maxi Kleber habang bigay-todo sa best player sa kabila, tulad nina Kawhi Leonard at Paul George noon sa West first-round.

Sakaling makuha si Gallinari, gagaang ang trabaho nina Finney-Smith at Kleber.

Sa December 1 pa naman inaasahang magsisimula ang free agency pagkatapos ng NBA draft sa Nov. 18.

Marami pang posibleng mangyari. (VE)

The post Mavs trip si Gallinari first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *