Mau, UVC ididiskonek ang PLDT

PAINIT nang painit ang labanan sa Philippine Superliga Grand Prix, dalawang slots na lang ang pinagla­laban sa top four teams na mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.

The post Mau, UVC ididiskonek ang PLDT appeared first on Abante News Online.

mau uvc ididiskonek ang pldt - Mau, UVC ididiskonek ang PLDT
Abante 2019 PLDT - Mau, UVC ididiskonek ang PLDT

PAINIT nang painit ang labanan sa Philippine Superliga Grand Prix, dalawang slots na lang ang pinagla­laban sa top four teams na mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Kaya importante sa United Volleyball Club at PLDT ang kanilang laro ngayong araw pero isa lang sa kanila ang uuwi nang nakangiti dahil magkatapat sila sa alas-12:00 nang tanghali sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Solo sa unahan ang defending champion Petron Blaze Spikers ta­ngan ang 12-0 karta habang nasa second place ang last year’s runner-up F2 Logistics na may 8-3 record.

Bukod sa United VC (6-5) at PLDT (7-6) may tsansa rin sa nasabing ticket ang Cignal (7-6).

Titibay ang kapit ng UVC sa No. 3 sakaling makuha nila ang panalo habang aangat sa solo third ang PLDT kung sila naman ang magwawagi sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Pero sasalang ang UVC na kulang sa armas, umalis ng bansa si import Tai Manu-Olevao patungong United States dahil may mahalagang bagay itong aasikasuhin.

Kaya sasandalan ni UVC head coach Joshua Ylaya sina Kalei Mau at Yaasmeen Bedart-Ghani para punan ang opensang iniwanan pansamantala ni Olevao. (Elech Dawa)

The post Mau, UVC ididiskonek ang PLDT appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *