Mau ibabangga kina Jaja, Dindin

Mau ibabangga kina Jaja, Dindin

IBABANGGA ng powerhouse F2 Logistics Cargo Movers ang malupit nilang player na si Filipino-American Kalei Mau pagharap nila sa tigasin ding Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

The post Mau ibabangga kina Jaja, Dindin appeared first on Abante News Online.

mau ibabangga kina jaja dindin - Mau ibabangga kina Jaja, Dindin
f2 6 - Mau ibabangga kina Jaja, Dindin

Team Standings:
F2 Logistics 8 0
Petron 8 1
Foton 7 3
Generika-Ayala 6 4
Cignal 4 5
PLDT Home Fibr 3 6
Sta. Lucia 1 10
Marinerang
Pilipina 0 8

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm – Marinerang Pilipina vs Sta. Lucia
4:15pm – PLDT Home Fibr vs Petron
7:00pm – Foton vs F2 Logistics

IBABANGGA ng powerhouse F2 Logistics Cargo Movers ang malupit nilang player na si Filipino-American Kalei Mau pagharap nila sa tigasin ding Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kahit namamayagpag sa tuktok ng team standings at may armas na Mau ay aminado si Cargo Movers head coach Ramil De Jesus na mapapalaban sila sa Tornadoes dahil matindi rin ang kanilang ipinagmamala­king sandata.
Magsisimula ang bak­bakan sa alas-7:00 ng gabi.

Tinalo ng F2 Logistics ang Foton sa first round pero dumaan sila sa butas ng karayom bago nakuha ang panalo.

“Foton is such a tall team. They are a tough team because of sisters Jaja and Dindin, who have experiences in the National team and in Japan club league,” patungkol ni De Jesus sa magkapatid na Santiago. “So we have to be well-prepared and look for Foton’s weak point. If we’ll be able to follow our game plan, we could be successful in the game.”

Huhugot din ng puwersa si De Jesus kina Aby Maraño, Ara Galang at Majoy Baron para makuha ang malinis na siyam na panalo.

Tangan naman ng Tornadoes ang 7-3 card, bukod kina Jaja at Dindin, ibabandera rin nila sina Elaine Kasilag, Maika Ortiz, Gyzelle Sy at Shaya Adorador.

Samantala, maghaharap sa unang laro ang Marinerang Pilipina at Sta. Lucia sa alas-2:00 ng kahapon habang magkakaldagan sa alas-4:15 ang PLDT Home Fibr Power Hitters at Petron Blaze Spikers. (Elech Dawa)

The post Mau ibabangga kina Jaja, Dindin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *