Mau, F2 ‘di pinagpawisan

Mau, F2 ‘di pinagpawisan

HINDI man lang pinagpawisan ang F2 Logistics Cargo Movers sa pagdispatsa sa Marinerang Pilipina 25-7, 25-9, 25-19 para manatiling malinis matapos ang u­nang round sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

The post Mau, F2 ‘di pinagpawisan appeared first on Abante News Online.

mau f2 di pinagpawisan - Mau, F2 ‘di pinagpawisan
mau 1 - Mau, F2 ‘di pinagpawisan

HINDI man lang pinagpawisan ang F2 Logistics Cargo Movers sa pagdispatsa sa Marinerang Pilipina 25-7, 25-9, 25-19 para manatiling malinis matapos ang u­nang round sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

Dinomina ng Cargo Movers sa pangunguna ni Filipino-American Kalei Mau, ang laban katulong sina Ara Galang, Majoy Baron at Kim Dy para irehistro ang malinis na pitong panalo.

Bukod sa mahinang depensa, nagkalat ang Skippers sa buong laro matapos magtala ng 25 errors laban sa walo ng F2 Logistics.

Tumikada si Mau ng 12 points mula sa 10 kills at dalawang service aces habang may 10 markers si Galang.

Para kay head coach Ramil de Jesus, malaking bagay ang pagkakawalis nila sa first round dahil puwede nila itong madala sa second round.

“This is big for us. It’s a huge morale-booster for us as we head to the second round,” saad ni de Jesus.

“At least we saw the potential of our team whenever we play healthy. It shows the we can sweep a series of games.”

Sa third set nakitaan ng tikas ang Skippers nang makatabla sila sa 17-all pero pagkatapos noon ay iniwanan na ulit sila ng Cargo Movers.(Elech Dawa)

The post Mau, F2 ‘di pinagpawisan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *