Mau, Cargo Movers pupundihin ang Cignal

HINDI pa nadudu­ngisan ang F2 Logistics Cargo Movers kaya wala silang iniisip kundi ipagpag ang makukulit na Cignal HD Spikers pagharap nila ngayong araw sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Cadiz City Arena sa Bacolod City.

The post Mau, Cargo Movers pupundihin ang Cignal appeared first on Abante News Online.

mau cargo movers pupundihin ang cignal - Mau, Cargo Movers pupundihin ang Cignal
PSL 4 - Mau, Cargo Movers pupundihin ang Cignal

Mga laro ngayon:
(Cadiz City Arena/Bacolod City)
4:15 p.m. — Sta. Lucia vs Generika-Ayala
7:00 p.m. — Cignal vs F2 Logistics

HINDI pa nadudu­ngisan ang F2 Logistics Cargo Movers kaya wala silang iniisip kundi ipagpag ang makukulit na Cignal HD Spikers pagharap nila ngayong araw sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Cadiz City Arena sa Bacolod City.

Tangan ang 4-0 karta, makikipagpaluan ang Cargo Movers sa HD Spikers sa alas-siyete nang gabi.

Tumibay ang lineup ng F2 Logistics nang makuha nila si Filipino-American spiker Kalei Mau na siya ngayon ang dahilan kung bakit nasa tuktok ang Cargo Movers.

Galing sa na-disband na United VC si Mau kaya tumawid ng bakuran ang former Arizona star sa F2 Logistics.

“Kalei is really a huge addition for us as we finally have a go-to-guy in crunch time,” saad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus. “But she still has more to learn, especially in choosing when to attack. She’s more of a power attacker and attacking smartly and wisely is something we can teach along the way.”

Nagtala si Mau ng 21 attacks at dalawang blocks nang talunin nila ang kapwa tigasing Pet­ron Blaze Spikers 25-21, 17-25, 27-25, 25-19 nakaraan. (Elech Dawa)

The post Mau, Cargo Movers pupundihin ang Cignal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *