Matira, matibay sa 12 PBA team

Smart Clark Giga City – Matira ang matibay na sa huling 9 days ng eliminations ng Philippine Cup sa Pampanga bubble.

The post Matira, matibay sa 12 PBA team first appeared on Abante.

matira matibay sa 12 pba team - Matira, matibay sa 12 PBA team
pba 2 - Matira, matibay sa 12 PBA team

Smart Clark Giga City – Matira ang matibay na sa huling 9 days ng eliminations ng Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Naglabas nitong Linggo ang PBA ng revised schedule umpisa Martes, Nov. 3, hanggang matapos ang eliminations sa Nov. 11 – bugbugan.

Isiniksik ang mga laro para makuha ang original target na end of 11-game eliminations ng bawat squad.

Limang game days ang may apat na laro.

Quadruple-header na agad ang first two days ng re-scheduled games sa Smart 5G-powered AUF gym.

Umaga pa lang ay may laro na, back-to-back pa kinabukasan ang ilang teams.

Sa Martes, babasagin ng Blackwater-SMB ng 10 am ang hostilidad, susundan ng Phoenix-Terrafirma (1pm), NorthPort-TNT (4pm) at Ginebra-Alaska (6:45pm).

Kinabukasan, Nov. 4, nakalinya ang Rain or Shine-NLEX (10am), Blackwater-Meralco (1pm), Magnolia-TNT (4pm), NorthPort-Ginebra (6:45pm).

Triple-header sa Nov. 5: Terrafirma-Magnolia (1pm), Meralco-Rain or Shine (4pm), SMB-Phoenix (6:45pm). (Vladi Eduarte)

The post Matira, matibay sa 12 PBA team first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *