Matamis ang resbak ni Real Gold

NAPAKATAMIS ng tagumpay ng paghihiganti ni Real Gold laban kay Boss Emong matapos nitong kubrahin ang korona sa ikatlong yugto ng 2019 Philippine Racing Commission Triple Crown series Linggo sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

The post Matamis ang resbak ni Real Gold appeared first on Abante News Online.

matamis ang resbak ni real gold - Matamis ang resbak ni Real Gold
race 7 - Matamis ang resbak ni Real Gold

NAPAKATAMIS ng tagumpay ng paghihiganti ni Real Gold laban kay Boss Emong matapos nitong kubrahin ang korona sa ikatlong yugto ng 2019 Philippine Racing Commission Triple Crown series Linggo sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Nasungkit ni Real Gold, na pagmamay-ari ng C and H Enterprise, ang unang leg ng Triple Crown ng taon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Mayo, bago ito matalo kay Boss Emong nitong Hunyo sa ikalawang yugto ng serye sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Nitong Linggo, binawian ni Real Gold si Boss Emong.

Dahil sa ekspertong pagsakay ni jockey John Paul Guce, kinuha ni Real Gold ang unahan sa huling 400 na metro at nanatili doon hanggang sa dulo para gapiin si Boss Emong sa karera na may distansiyang 2,000 meters.

“Hindi nagbago ang game plan, talagang remate po kami. May mga matutulin na kalaban, kaya kailangan strong finish kami,” ani Real Gold jockey John Paul Guce. “Pagpasok ng last 400 ko nakuha. Medyo bumitin after that, kaya naglipat ako ng latigo, umiktad po ulet. Talagang sumasagot siya kapag pinu-push mo.”

Ang panalo ay nagkakahalaga ng P1.8 milyon para sa C and H Enterprise nina Butch at Alex Mamon, Jing Javier, Joseph Dyhengco at Robert Ramirez.

Kasama ang kanilang panalo sa unang yugto ng serye at ikalawang puwesto sa second leg, nag-uwi ng suma total na P4,275,000 na premyo si Real Gold, halos kalahati ng siyam na milyong papremyo ng Philracom para sa 2019 Triple Crown Series.

“We are very happy with the result. Two out of three ain’t so bad,” ani Butch Mamon, isa sa mga nagmamay-ari kay Real Gold, na ang winning breeder Dyhengco ay tumanggap naman ng P100,000.

Ang tatlong-parteng serye ay ginaya mula sa Triple Crown ng Estados Unidos, na bumubuo ng Kentucky Derby, Preakness Stakes at Belmont Stakes.

The post Matamis ang resbak ni Real Gold appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *