Martin titibagin si Alolod para sa PBF bantam title

Martin titibagin si Alolod para sa PBF bantam title

BABANGGAIN ni Ifugao prospect Carl Jammes Martin ang veteran journeyman at kababayang si Benezer Alolod sa 10-round bout na tinaguriang ‘Fists of the Future’ para sa Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight crown ngayong gabi sa Mandaluyong City.

martin titibagin si alolod para sa pbf bantam title - Martin titibagin si Alolod para sa PBF bantam title
boxing 3 - Martin titibagin si Alolod para sa PBF bantam title

BABANGGAIN ni Ifugao prospect Carl Jammes Martin ang veteran journeyman at kababayang si Benezer Alolod sa 10-round bout na tinaguriang ‘Fists of the Future’ para sa Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight crown ngayong gabi sa Mandaluyong City.

Puro foreigner ang nakaharap ng Tubong Hingyon, Ifugao na si Martin sa kanyang huling pitong laban at karamihan ay hindi lumampas ng three rounds.

“Marami naman po kasi na mga matitibay na Pinoy boxers at gustong gusto ko po na makalaban ng matibay para masubukan din po ako,” anang 20-anyos na si Martin (13-0, 12KOs).

Susubukang tibagin ni Martin ang beterano na ng 36 fights at 28-anyos na si Alolod (19-12-5, 7KOs).

Umabot man ng 12 ang talo ni Alolod, tatlong beses lamang nakatikim ng knockout loss ang Polomolok-native boxer.

“Ibig sabihin po nun, talagang may tibay siya kaya sa training namin, tinutukan po talaga namin ang pagpapakondisyon,” pahayag ni Martin patungkol sa makakasapakan.

Ang Friday night event na handog ng Shockpunch Promotions at Ifugao Promotions ay gaganapin sa Mandaluyong Elementary School Gym.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *