Marcial todo suporta sa Gilas

WALANG problema para kay PBA Commissioner Willie Marcial na payagan ang ilang league players para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na taon.

The post Marcial todo suporta sa Gilas first appeared on Abante.

marcial todo suporta sa gilas - Marcial todo suporta sa Gilas
Willie Marcial 4 - Marcial todo suporta sa Gilas

WALANG problema para kay PBA Commissioner Willie Marcial na payagan ang ilang league players para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na taon.

Ngayong naka-offseason ang liga at inaasahang magbabalik aksyon sa Abril para sa ika-46 Season, may tsansang makasama sa national team ang ilang mga beteranong basketbolista kasama pa ang ilang Gilas cadets.

“Kung kailangan ng SBP ng players, kung kailangan nila ng coaches, kung kailangan nila ng ball boys, kung kailangan nila ng mga tao, willing kami,” lahad ni Marcial sa sports talk show ng Abante na Sportalakan.

“All out support ang PBA sa SBP.”

Dagdag pa nito, “para sa bayan ‘yan. Para sakin,’ yan
‘yung balik ko sa basketball.’ Yung kagandahan na ibinigay sa akin ng basketball, ‘yan naman ang balik ko na tumulong sa bansa natin.”

Sa kasalukuyan, may record na 3-0 ang Nationals sa Group A at isa sa magho-host ng torneo sa Pebrero 2021 sa Clark, Pampanga. (JAToralba)

The post Marcial todo suporta sa Gilas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *