Marcial sisiwalat ang playing venue

Bago ang PBA Board meeting ngayong araw, kinausap muna ni commissioner Willie Marcial ang tigalawang kinatawan ng bawat teams para makuha ang pulso ng mga ito sa planong pagtatayo ng bubble.

The post Marcial sisiwalat ang playing venue first appeared on Abante.

marcial sisiwalat ang playing venue - Marcial sisiwalat ang playing venue
maricial - Marcial sisiwalat ang playing venue

Bago ang PBA Board meeting ngayong araw, kinausap muna ni commissioner Willie Marcial ang tigalawang kinatawan ng bawat teams para makuha ang pulso ng mga ito sa planong pagtatayo ng bubble.

Ngayong araw dedesisyunan ng Board ang format ng ibabalik na tournament, style ng bubble at kung saan ilalagay.

Pinag-aaralan ng liga ang pagtatayo ng NBA-style bubble na patutuluyin lahat ng players, coaches at personnel sa hotel malapit sa playing venue.

Isa pang ideya na ikinukonsidera ang semi-quarantine.

Kinuha naman ito sa German Bundesliga kung saan uuwi sa kani-kanilang bahay ang players pero striktong lilimitahan ang biyahe mula playing venue pauwi. Ganito na rin ang ginagawa ng players ngayon habang nag-wo-workout.

Pangatlo ang semi-bubble, unique PBA concept na itutuloy ang teams at PBA personnel sa isang hotel pero posibleng sa ibang lugar ang venue.

“Kunwari hotel sa Pasay, venue sa Cubao. O kunwari hotel dito (Quezon City) at venue sa iba,” paliwanag ni Marcial nitong Miyerkoles. “Mga governor mag-de-decide n’yan, iba-iba.” (Vladi Eduarte)

The post Marcial sisiwalat ang playing venue first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *