Marcial malaki tsansa sa ginto

DESIDIDO ang kampo ni three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial na masungkit ang gintong medalya sa Olympic Games kaya naman bantay sarado ito sa araw-araw na galaw ng kanilang bataan.

The post Marcial malaki tsansa sa ginto first appeared on Abante.

marcial malaki tsansa sa ginto - Marcial malaki tsansa sa ginto
Eumir Felix Marcial 2 - Marcial malaki tsansa sa ginto

DESIDIDO ang kampo ni three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial na masungkit ang gintong medalya sa Olympic Games kaya naman bantay sarado ito sa araw-araw na galaw ng kanilang bataan.

Idaraos sa Hulyo ang Tokyo Olympics, nagbilin si eight-division world champion Manny Pacquiao na tutukan ang training ni Marcial sa Wild Card Gym sa California.

Malaki ang tiwala ni fighting senator sa kakayahan ng kanyang kababayan dahil kasama nito sa pagte-training sina coach Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.

“Talented si Marcial, malaki ang chance niya na maka-gold sa Olympics, masipag at marunong makinig sa instructions,” hayag ni Pacquiao.

Humanga si Pacquiao nang mapanood nito ang unang pro fight ni Marcial noong Disyembre kontra kay Andrew Whitfield ng Amerika kung saan nakuha ng Zamboanga pride ang kanyang unang panalo via unanimous decision.

Bukod kay Marcial, ang ibang nakapasok sa quadrennial meet ay sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, boxer Irish Magno at SEAG pole vault record holder Ernest John Obiena. (Elech Dawa)

The post Marcial malaki tsansa sa ginto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *