Marcial gagawing kampeon ni Manny

PLANO ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na maging world champion din katulad niya si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial.

The post Marcial gagawing kampeon ni Manny first appeared on Abante.

marcial gagawing kampeon ni manny - Marcial gagawing kampeon ni Manny
EumirFelixMarcial and manny - Marcial gagawing kampeon ni Manny

PLANO ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na maging world champion din katulad niya si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial.

Kaya naman dalawang respetadong trainer ang ipinatututok ni eight-division world champion Pacquiao kay Marcial. Ito’y sina Hall of Famer Freddie Roach at Justin Fortune na gagabay sa training program ni Marcial para maging handa sa unang pro fight.

Tatlong laban ang target ng MP Promotions para kay Marcial bago ito sumabak sa Olympics na gaganapin sa Hulyo 2021.

Nobyembre ang target date ng unang salang ni three-time Southeast Asian Games champion Marcial at kapag naselyuhan ito ay agad na tutulak ang Pinoy boxer sa Los Angeles, California upang masimulan ang training nito kina Roach at Fortune. (Elech Dawa)

The post Marcial gagawing kampeon ni Manny first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *