Marcelino, misis sinulit pulot-gata

Bonding time with misis!

The post Marcelino, misis sinulit pulot-gata first appeared on Abante.

marcelino misis sinulit pulot gata - Marcelino, misis sinulit pulot-gata
jayvee 1 - Marcelino, misis sinulit pulot-gata

Bonding time with misis!

Habang hindi pa busy sa pagba-basketball si Phoenix Super LPG Jayvee Carlos Marcelino, sinulit niya ang pagkakataong makapiling ang misis kung saan nagtampisaw sila sa beach.

Sa official FB account Linggo ng kakambal ni incoming Philippine Basketball Association (PBA) sophomore pro Jaycee ng Alaska Milk, in-enjoy ni Jayvee ang intimate honeymoon sa esposang si Cha pagkakasal lang nitong nakaraang linggo.

“Chillin’ with wifey,” caption ni 5-foot-9 guard sa FB post kung saan makikitang hayahay ang mag-asawa sa dagat.

Nabitin si Jayvee mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA)-Lyceum of the Philippines University Pirates, sa ‘binyag’ sa pro league nang malista munang Fuel Masters reserve kasama si Ralph Tansingco nang hugutin sila sa 2019 PBA Rookie Draft. Kaya maghahasa muna siya sa FamilyMart ng PBA D-League. (Aivan Denzel Episcope)

The post Marcelino, misis sinulit pulot-gata first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *