Marathon champs Nerza, Hallasgo abot ang pangarap dahil sa Milo, Patafa

Halos abot kamay na ang mga pangarap nina Antony Nerza at Christine Hallasgo sa nasisinag na pagsungkit ng slot sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019 dahil sa walang katumbas na pagsasama ng Nestle Philippines, Inc. at Philippine Athletics Track and Field Association para sa ikahuhusay ng 43rd National MILO Marathon 2019.

marathon champs nerza hallasgo abot ang pangarap dahil sa milo patafa - Marathon champs Nerza, Hallasgo abot ang pangarap dahil sa Milo, Patafa
milo 1 - Marathon champs Nerza, Hallasgo abot ang pangarap dahil sa Milo, Patafa

Halos abot kamay na ang mga pangarap nina Antony Nerza at Christine Hallasgo sa nasisinag na pagsungkit ng slot sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019 dahil sa walang katumbas na pagsasama ng Nestle Philippines, Inc. at Philippine Athletics Track and Field Association para sa ikahuhusay ng 43rd National MILO Marathon 2019.

Buong pasasalamat nina Nerza at Hallasgo na mabigyan ng karapatan na irepresenta ang watawat ng Pilipinas sa SEA Games sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11 na nakapaloob sa kanilang mapapanalunan sa taunang karera na iginawad ng PATAFA.

“Determinado po akong manalo talaga kasi po gusto kong irepresent ang bandila natin sa SEA Games,” sabi ng 30-anyos na Airman 2Class na si Nerza, mula sa Kapalong, Davao del Norte, “Pinaghandaan ko po ito talaga nang husto dahil gusto ko mapasama sa national team.”

Nagbunga ang paghihirap nina Nerza at Hallasgo mula sa batam­batang programa ng MIilo at PATAFA sa pagwawagi bilang King and Queen sa matagumpay na pagsasagawa NMM-Metro Manila Elimination­ Race Linggo ng umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Lubos ang pasasala­mat nina Nerza at Hallasgo sa programa na kanilang naging sandigan upang makatuntong sa kanilang inaasam na maabot ang pangarap na maging miyembro ng pambansang koponan sa pagiging kampeon sa tampok na 42.195 kilo­metrong karera.

“Hindi ko po makakalimutan last year na matapos ako manalo rito sa Manila qualifying leg din ay inimbitahan ako ng PATAFA na sumali sa kanilang National Open sa Ilagan, Isabela. Matagal na po ako sumasali sa races pero ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataong mag-national team,” litanya ni Hallasgo.

Naiuwi ni Hallasgo ang kanyang kauna-unahang titulo bilang MILO Queen nitong 2018 Metro Manila Qualifying leg din na nagbigay daan dito upang magwagi rin sa PATAFA National Open 10K at 21Km events upang maging pambato ng bansa sa dalawang kategorya sa SEAG.

“Nakuha ko po kasi ang standard qualifying­ time sa dalawang event pero bahala na po sigu­ro ang mga coaches na tumutulong sa amin ngayon para mas mapaganda pa ang time namin. Nasa kanilang pagdedesiyon po kung saan nila nakikita na mas malaki ang tsansa nating maka-gold,” dagdag ni Hallasgo, na tubong Malaybalay City, Bukidnon.

Itinala ni Hallasgo ang oras na 3:06:28 upang iuwi ang kanyang ikalawang sunod na korona sa Metro leg upang talunin sina April Rose Diaz (3:15:05) at Maricar Camacho (3:26;03). Maliban sa korona at cash ay nakamit din ni Hallasgo ang karapatan makasama si Tabal bilang bet ng bansa sa SEAG women marathon.

“More than the prizes and trophies, Milo Marathon has always make sure that first and foremost in our race is the development and humane being of our runner,” sabi ni MILO Sports Executive Lester Castillo.

Umabot sa kabuuang 28,539 ang bumahagi sa ikalawang leg ng taunang karera kung saan sa 42.195K ay may 1,962 ang tumakbo, 1,838 sa 21K, 3,133 sa 10K, 16,800 sa 5K at 4,826 sa 3K.

Umaasa naman si Nerza na makakamit nito ang pinakamimithing sil­ya sa SEAHG men’s ma­rathon sa SEA dahil una nang naitakda kay 2018 runner-up Jerald Zabala ang isang silya pagpanaw ni 2018 NMM Finals king Rafael Poliquit, Jr.

“Sa ngayon po, umaasa ako na ako ang mapipili dahil dito sa panalo ko sa MILO para makasama ni Zabala kasi nandiyan pa rin po si Jeson Agravante,” ani Nerza, na imay 2:32:50 tiyempo sa panalo kina Richeel Languido na pumangalawa (2:36:43) at Agravante na puma­ngatlo (2:38:48).

Kampeon sa men’s 21km si Richard Salano (1:11:29) kasunod sina Sonny Wagdos (1:14:10) at James Kevin Cruz (1:15:41) habang sa women’s division ay wagi si Nhea Ann Barcena (1:34:52) kina Cinderella Agana-Lorenzo (1:37:44) at Kristy Anne Abello (1:49:04). (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *