Maraming swak gayahin sa NBA

SA naging NBA restart nitong end of July ay kapansin-pansin ang ilang pagbabagong ginawa ng liga para mas makatulong sa kanilang bansa bukod pa sa mas maging entertaining ito sa madla.

The post Maraming swak gayahin sa NBA first appeared on Abante.

maraming swak gayahin sa nba - Maraming swak gayahin sa NBA
118844315 1603702646495425 674576981793459624 n - Maraming swak gayahin sa NBA

SA naging NBA restart nitong end of July ay kapansin-pansin ang ilang pagbabagong ginawa ng liga para mas makatulong sa kanilang bansa bukod pa sa mas maging entertaining ito sa madla.

Naisip lang natin na maaari din itong gawin ng PBA sa plano nitong pagpapatuloy ng 2020 Philippine Cup kung saang sa susunod na buwan ang target month ng sarili nitong pagbabalik.

Halimbawa, sa NBA ay naglagay ng mga pinag-usapang mga salita o kataga sa likod ng mga unipormeng sando ng mga player bilang mensahe ng pagsang-ayon ng liga sa racial equality at social justice lalo na ang mga patungkol sa Black Lives Matter.

Dahil hindi pa nafa-flatten ng bansa ang sinasabing curve patungkol sa COVID-19, naisip lang natin na baka maaaring maglagay ng mga salita o katagang may kinalaman dito ang PBA sa likod ng mga jersey ng players bilang pagpapaalala sa mga tao ng minimum health protocol tulad ng laging panghugas ng kamay, pagsuot ng face masks at pananatili lamang sa bahay, bilang mga halimbawa.

Napansin din natin ang ilang pregame introductions sa NBA na ginagawa ng mga kapamilya o kamag-anak ng mga player, imbes na venue announcer.

Maaaring gawin din ito ng PBA pero ang frontliners sa mga fan ng team ang gagawa ng player intro bilang pagkilala sa kabayanihan nila sa ganitong panahon ng pandemya.

Mga munting suhestIyon lang natin para makatulong sa lalong pagiging mahalaga ng PBA sa panahon ngayon.

The post Maraming swak gayahin sa NBA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *