Mapanganib kami – Adams

MATINDI ang bagong kumbinasyon ng Terrafirma Dyip kina CJ Perez at Roosevelt Adams.

The post Mapanganib kami – Adams first appeared on Abante.

mapanganib kami adams - Mapanganib kami – Adams
Adams - Mapanganib kami – Adams

Mga Laro Ngayon:

(AUF Gym/Clark, Pampanga)

4:00pm – Rain or Shine vs SMB

6:45pm – TerraFirma vs TNT

MATINDI ang bagong kumbinasyon ng Terrafirma Dyip kina CJ Perez at Roosevelt Adams.

Parehong top pick ng Dyip ang dalawa – si Perez noong 2018, si Adams nitong 2019.

Two-headed monster ng Terrafirma na dapat pangilagan ng iba sa PBA Philippine Cup restart sa Clark bubble.

Dagdag ang dalawang NCAA champion mula Letran na sina Christian Balagasay at Bonbon Batiller, handa nang umarangkada ang new-look Dyip.

“We are a very dangerous team,” babala ni 6-foot-5 Adams. “So watch out for us.”

Itutuloy lang ni Perez kung saan siya nag-take off noong nakaraang season nang itanghal na Rookie of the Year.

“Iniisip ko lang sana ‘di ako nawala sa kondisyon,” anang dating NCAA MVP mula Lyceum. “May kaunting adjustment pa, gigil. Sana mapatunayan ko na worthy ako du’n sa Rookie of the Year award.”

Ite-test drive ni coach Johnedel Cardel ang bagong langis na Dyip laban sa TNT Tropang Giga sa second game ngayon sa AUF gym. (VE)

The post Mapanganib kami – Adams first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *