Manuel, Alaska pinitik ang Phoenix

ITINALA ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na tagumpay matapos umahon sa 14 puntos na paghahabol bago itinakas ang 105-97 panalo kontra Phoenix Super LPG sa ginaganap na bubble eliminasyon ng 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa AUF Sports Arena & Cultural Center.

The post Manuel, Alaska pinitik ang Phoenix first appeared on Abante.

manuel alaska pinitik ang phoenix - Manuel, Alaska pinitik ang Phoenix
abante vic manuel - Manuel, Alaska pinitik ang Phoenix

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)
4:00pm – NorthPort vs Magnolia
6:45pm – San Miguel vs Ginebra

ITINALA ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na tagumpay matapos umahon sa 14 puntos na paghahabol bago itinakas ang 105-97 panalo kontra Phoenix Super LPG sa ginaganap na bubble eliminasyon ng 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa AUF Sports Arena & Cultural Center.

Ibinuhos ng Aces ang 24-7 run sa pagbubukas ng ikaapat na yugto upang itala ang 15 puntos na abante sa 97-82, may 4:14 minuto sa laro na pinakahuli ay fastbreak layup ni Robbie Herndon upang angkinin ang ikalimang panalo sa walong laro.

Binitbit muli ni Vic Manuel ang Aces sa pagtatala ng 24 puntos, 7 rebounds at 3 assists habang tumulong din sina Mike DiGregorio na may 21 puntos at isang assist.

May 13 puntos si JV Casio at 12 kay Herndon.

Nahulog ang Phoenix Fuel Masters sa kabuuang 4-3 panalo-talong kartada.

Ipinalasap ni Justin Chua sa kanyang driving layup ang 14 puntos na abante sa Super LPG sa pagsimula ng ikalawang yugto, 34-20.

Gayunman, agad na bumalikwas ang Aces na nagawang pahigpitin ang labanan sa 46-48 iskor bago na lamang natapos ang unang hati sa anim na puntos na abante ng Super LPG, 55-49.

Agad nagtala ang nagbabalik sa suspensiyon na si Calvin Abueva ng 11 puntos habang may tig-10 puntos naman sina Matthew Wright at Justin Chua sa first half. (Lito Oredo)

The post Manuel, Alaska pinitik ang Phoenix first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *