Manuel, Alaska nilubog ang Dyip

BINITBIT ni Vic Manuel sa tinipong 18 puntos, pitong rebounds, dalawang assists at isang block ang Alaska Aces tungo sa pagbigo sa Terrafirma Dyip, 99-96, sa bubble na eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Sports and Cultural Arena sa Clark, Pampanga.

The post Manuel, Alaska nilubog ang Dyip first appeared on Abante.

manuel alaska nilubog ang dyip - Manuel, Alaska nilubog ang Dyip
vic - Manuel, Alaska nilubog ang Dyip

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Blackwater)

4:00pm – Magnolia vs Blackwater

6:45pm – Meralco vs San Miguel

BINITBIT ni Vic Manuel sa tinipong 18 puntos, pitong rebounds, dalawang assists at isang block ang Alaska Aces tungo sa pagbigo sa Terrafirma Dyip, 99-96, sa bubble na eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Sports and Cultural Arena sa Clark, Pampanga.

Umahon mula sa 14-puntos na pagkakaiwan ang mga Aces bago nagawang maagaw ang kabuuang ikaapat nitong panalo sa loob ng pitong laro upang pagandahin ang kanilang tsansa sa unang apat na koponang may insentibo sa susunod na salpukan sa quarterfinals.

Pinanatili din ng Aces na walang panalo ang Dyip na nahulog sa ikalimang sunod na kabiguan.

Tumulong din sa Aces sina Robbie Herndon na may 12 puntos, 4 rebounds at isang assist kasunod sina JV Casio at Mike DiGregorio na may tig-11 puntos.

Inagaw ng Alaska ang pagkapit sa bentahe mula sa jumper ni JV Casio sa 7:10 minuto ng ikatlong yugto kung saan ibinuhos nito ang 10-0 atake na nagtulak sa koponan sa anim na puntos nitong kalamangan sa 65-59.

Hindi pinalasap ng Terrafirma ng pagkapit sa kalamangan ang Alaska kung saan nagawa ng mga Dyip na maitala ang malaking 14 puntos na abante sa 43-29, may 6:43 minuto sa ikalawang yugto mula sa isang tres ni Eric James Camson.

Agad nagtala ang rookie na si Roosevelt Adams ng 11 puntos, 5 rebounds at 1 assist habang si Juamy Tiongson ay may 10 puntos, 1 rebound at 3 assists para sa Dyip. (Lito Oredo)

The post Manuel, Alaska nilubog ang Dyip first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *