Manny dumipensa sa birthday party

NILINAW ni World Boxing Association (WBA) 147-pound ruler Manny Pacquiao na wala siyang nilabag na health protocol sa selebrasyon kamakailan ng kanyang ika-42 kaarawan.

The post Manny dumipensa sa birthday party first appeared on Abante.

manny dumipensa sa birthday party - Manny dumipensa sa birthday party
manny 9 - Manny dumipensa sa birthday party

NILINAW ni World Boxing Association (WBA) 147-pound ruler Manny Pacquiao na wala siyang nilabag na health protocol sa selebrasyon kamakailan ng kanyang ika-42 kaarawan.

Sa panayam sa ANC Lunes, nilinaw ni Senator Pacquiao na wala pa sa 50 panauhin ang dumalo sa birthday party na ginanap sa General Santos at ni-require rin ang bawat isa na sumailalim sa RT-PCR o swab testing.

“Di’ po kami nagpabaya (sa celebration),” sambit ng 42-year-old boxer.

Ayon pa kay Pacquiao, ni-require ng mga ito ang mga panauhin na sumalang sa swab test upang magkapag-ingat at matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga anak at bunso nitong si Israel.

“Alam po namin na magkakaroon ng issue na ganyan at meron naman po silang mga swab (test) bago namin pinapasok.”

“Wala naman po (nilabag), maingat naman po tayo nag-celebrate ng birthday party natin. Simple lang,” paliwanag ni Pacquiao.

“Ang focus po natin is ‘yung pamimigay na lang ng relief goods at saka pera dun sa ating mga kababayan.” (JAToralba)

The post Manny dumipensa sa birthday party first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *