Mangrobang, Kilgroe panargo ng triathlon

SA tindi ng kanilang pinagdaanan sa training, ayaw ng Filippino triathletes na mawala sa kanila ang koronang hawak nila sa huling dalawang edition ng Southeast Asian Games.

mangrobang kilgroe panargo ng triathlon - Mangrobang, Kilgroe panargo ng triathlon
triathlon 2 - Mangrobang, Kilgroe panargo ng triathlon

SA tindi ng kanilang pinagdaanan sa training, ayaw ng Filippino triathletes na mawala sa kanila ang koronang hawak nila sa huling dalawang edition ng Southeast Asian Games.

Lalo na’t Pilipinas ang punong abala sa 11-nation sportsfest na aarangkada sa November 30 hanggang December 11.

Isasangkalan bilang pambato ng Pilipinas sina Cebuano teenager Andrew Kim Remolino at John Chicano men’s individual habang sina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ang panargo ng local triathlon association sa women’s division.

“They had gone through several qualifying events. The best two performers in those series of qualifiers have been chosen to do the individual races,’’ saad ni Triathlon Association of the Philippines president Tom Carrasco.

Nasilo ng team Philippines ang gold at silver medals, pareho sa men’s at women’s individual races sa 2015 Singapore at 2017 Kuala Lumpur editions.

Si Nikko Huelgas, na nagkaroon ng sa kaagahan ng taon at hindi maidedepensa ang kanyang titulo, ang back-to-back champion sa men’s habang nagwagi si Claire Adorna sa women’s sa 2015 at Mangrobang sa 2017.

Nanguna naman si 19-year-old mula Talisay City, Cebu, Remolino sa lahat ng qualifying races sa Filipino elite competitors sa swim-bike-run Olympic event.

“May pressure talaga dahil kailangan depensahan natin ang gintong medalya sa SEA Games. Ibibigay ko lahat ng aking makakaya,’’ hayag ni Remolino, ang Young Hero awardee sa triathlon sa katatapos na Siklab Youth Sports Awards 2019.

Sasalang pa rin si Huelgas, pero sa mixed team relay kasama sina Fer Casares, Chicano, Adorna, Kilgroe at Mangrobang. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *