Mananaya ng Lakers ‘pinaiyak’ ni Herro

HINDI lang mga NBA fan ang nag-aabang sa bakbakan ng Miami Heat at LA Lakers, kundi pati ang mga mananaya.

The post Mananaya ng Lakers ‘pinaiyak’ ni Herro first appeared on Abante.

mananaya ng lakers pinaiyak ni herro - Mananaya ng Lakers ‘pinaiyak’ ni Herro
abante tyler herro 1 - Mananaya ng Lakers ‘pinaiyak’ ni Herro

HINDI lang mga NBA fan ang nag-aabang sa bakbakan ng Miami Heat at LA Lakers, kundi pati ang mga mananaya.

Bukod sa panalong koponan, isa din sa binabantayan ng mga sugarol ay ang final score kung saan iyon ang magdidikta kung kukubra ba sila ng limpak na pera kung pasok ang taya nila sa ‘point spread’.

Sa Game 4 ng NBA Finals, binigyan ng -7.5 spread ang Lakers sa mga sportsbook, ibig sabihin ay kailangang manalo ng 8 points o higit pa ng LeBron James-led squad para humakot din ng salapi ang mga bettor.

Ngunit hindi pinabayaan ni Miami Heat rookie Tyler Herro na dumoble ang kasiyahan ng mga tumaya sa Lakers matapos nitong isalpak ang tres sa dulo ng laro dahilan para bumaba sa anim ang lamang ng Lakers, 96-102.

Ibig sabihin, sinuman ang tumaya sa Miami na +7.5 underdog ay panalo pa rin kahit talo ang koponan dahil hindi naabot ng Lakers ang point spread.

Dahil dito ay hati ang reaksyon ng social media partikular ng mga mananaya dahil sa late three pointer ni Herro. (Ray Mark Patriarca)

The post Mananaya ng Lakers ‘pinaiyak’ ni Herro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *