Malinis na kartada itataya ni Magsayo

ITATAYA ni Filipino fighter Mark Magsayo ang malinis na record pagharap ngayong araw (Sabado ng gabi sa Amerika) sa kaliweteng Mehikano na si Rigoberto Hermosillo sa kanilang 10-round featherweight bout sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.

The post Malinis na kartada itataya ni Magsayo first appeared on Abante.

malinis na kartada itataya ni magsayo - Malinis na kartada itataya ni Magsayo
Mark Magsayo - Malinis na kartada itataya ni Magsayo

ITATAYA ni Filipino fighter Mark Magsayo ang malinis na record pagharap ngayong araw (Sabado ng gabi sa Amerika) sa kaliweteng Mehikano na si Rigoberto Hermosillo sa kanilang 10-round featherweight bout sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.

Pahahabain ng 25-anyos na Bohol native ang undefeated record na 20-0 kabilang ang 14 knockouts laban sa delikadon Mexican na may 11-2 panalo-talo baraha kasama ang walong KO.

Ayon kay Manny Pacquiao (MP) Promotions president Sean Gibbons, hindi dapat maging kumpiyansa si Magsayo kontra Hermosillo dahil mabangis din ang makakatapat.

“Rigoberto comes to fight. He got a big heart and this is his opportunity,” sey ni Gibbons.

“A lot of these guys won’t fight Rigoberto because he’s a left hander, he’s a tall guy, and an aggressive guy.”

Tumimbang si Magsayo ng 127 pounds habang 126.5 naman ang bigat ng Mexican foe sa official weigh in kahapon. (Ferdz Delos Santos)

The post Malinis na kartada itataya ni Magsayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *