Male personality semplang ang career

Kumbaga sa mangingisda ay matagal nang namamandaw ng huli ang isang male personality na may kaangasan pero mailap sa kanya ang kapalaran. Wala siyang trabaho ngayon.

The post Male personality semplang ang career first appeared on Abante.

male personality semplang ang career - Male personality semplang ang career
tonite male - Male personality semplang ang career

Cristy Fermin No Thanks 81 300x200 - Male personality semplang ang careerKumbaga sa mangingisda ay matagal nang namamandaw ng huli ang isang male personality na may kaangasan pero mailap sa kanya ang kapalaran. Wala siyang trabaho ngayon.

Hindi na nagtataka ang maraming taga-showbiz kung bakit, naalala nila ang ginawa ng male personality sa isang produksiyong may malaking nagawa para sa kanyang karera, pero bigla niyang tinalikuran.

Kuwento ng isang source, “Naalala n’yo pa ba ang ginawa niya nu’n sa mga taong kung tutuusin, e, nagbigay sa kanya ng napakagandang opportunity sa pelikula?

“Du’n siya nakilala, ang ganda-ganda ng role na ibinigay sa kanya du’n sa movie, gagawin pa nga sana siyang bida sa susunod na project nila, pero ano ang ginawa ng male personality?” pag-alala ng aming napapailing na impormante.

Biglang lumundag sa ibang bakuran ang male personality, napahiya ang mga taong tumutulong sa kanya, pero pinalampas na lang nila ang lahat at sinabihan siya ng good luck sa naging desisyon niya.

Patuloy ng aming source, “Nagkaroon naman siya ng mga projects, hindi siya nawawalan ng trabaho, panalung-panalo ang paglundag niya sa network!

“Ibang artista ang pumalit sa dapat sana, e, project na para sa kanya, magaling ang male personality, pinakain siya ng alikabok sa aktingan!

“Pero anyare? Wala siyang work ngayon. Sumpa ng mga sumpa! Ipinasarado ang bakurang nilundagan niya. Lahat sila, e, naghahanap ng work ngayon.

“May mga nakalinya siyang projects sa network, pero naudlot, dahil sa pandemya. Natural, wala siyang kinikita ngayon dahil wala nga siyang work.

“Nanghihinayang ang iba sa nangyari sa kanya, kundi sana siya nainip at nagmadali, baka may work siya ngayon! Kaso, nagpadala siya sa masasarap na pangako, iniwan niya ang mga taong totoong nagpakahirap sa kanya, kaya ayan tuloy!

“Para siyang bula na kanina lang, e, nand’yan, pero sa isang ihip lang ng hangin at sa isang pitik, e, biglang nawala na!” madiing pagtatapos ng napapailing naming source.

Raymart, Jodi may bagong romansa

Maraming nasorpresa sa paglabas ng balita na may namamagitang romansa kina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Pareho kasi silang tahimik lang.

Ang pagkakaalam ng marami ay si AC Legarda pa rin ang karelasyon ng action star pero matagal na pala silang hiwalay. Si Raymart ang balitang nakipaghiwalay sa pinsan ni dating Senador Loren Legarda.

Sa mahabang panahon ay tahimik lang si Jodi tungkol sa paghihiwalay nila ni Vice-Governor Jolo Revilla. Nanatiling tikom ang bibig ng aktres, wala siyang pinakawalang pahayag kung bakit at ano ang dahilan ng pagkakani-kanya nila ng landas, hanggang sa magpakasal na nga ang aktor-pulitiko sa isang beauty queen.

Kung totoo ngang nagkakamabutihan na sina Raymart at Jodi ay magandang balita ito. Pareho silang libreng magmahal, at may karapatan silang lumigaya, maraming magiging masaya para sa kanila.

Responsableng ama naman si Raymart sa dalawang anak nila ni Claudine Barretto, mapag-alaga at mapagmahal na ina si Jodi sa kanyang anak na si Thirdy, hanggang hindi sila nagpapabaya sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang ay nasaan ang problema kung sila na nga ngayon?

Pero hindi pa siguro kukumpirmahin nina Raymart at Jodi ang kanilang relasyon kung totoo nga, pareho silang maingat sa pagsasalita, titimplahin muna siguro nila ang sitwasyon bago sila magbukas ng puso tungkol sa magandang pagtitinginang meron sila ngayon.

Dadaanin lang muna ni Raymart Santiago sa pagngiti ang mga tanong ngayon, ganu’n din si Jodi na marespeto sa pagsagot, maghihintay pa tayo nang ilang panahon bago natin marinig kung paano, saan at kailan nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

The post Male personality semplang ang career first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *