Majoy mas trip doggy

DYOWA ang madalas kasama ng ilang mga nagwowork-out.

majoy mas trip doggy - Majoy mas trip doggy
abnate majoy baron - Majoy mas trip doggy

DYOWA ang madalas kasama ng ilang mga nagwowork-out.

Iba si volleybelle Majoy Baron dahil ang buddy gym nito ay ang alaga niyang aso.

Makikita sa Instagram story ng F2 Logistic Cargo Mover star na bukod sa kasangga sa exercise ay matinik pang alalay o bodyguard ang kanyang bantay na si ‘Dal Bong Shi’.

“Workout buddy @dalbongshi,” caption nito sa nasabing IG story.

Game naman ang cute na alaga ng dating DLSU Lady Spiker nang magmistulang taga-hawak ito ng kanyang minibands para sa leg workout.

“My walking minibands holder,” dagdag pa nito.

Kahit wala ang ibang tropa sa volleyball ay puspos ang 24-anyos na balibolista sa exercise.

Posibleng sa Oktubre pa magbalik ang mga team workout sa Philippine SuperLiga (PSL). (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *