Maguliano, EAC ayaw nang umiyak

MALUPIT ang ipinakitang laro ni Emilio Aguinaldo College forward John Paul Maguliano sa kanilang huling laban sa 95th NCAA basketball tournament.

maguliano eac ayaw nang umiyak - Maguliano, EAC ayaw nang umiyak
ABANTE jp - Maguliano, EAC ayaw nang umiyak

Standings W L
San Beda 4 0
CSB 4 0
Letran 5 1
LPU 4 1
SSC-R 2 3
Perpetual 2 3
JRU 2 4
Arellano 1 4
EAC 1 4
Mapua 0 5

Mga laro ngayon:
(JRU Gym)
4:00pm — JRU vs EAC (Men)

MALUPIT ang ipinakitang laro ni Emilio Aguinaldo College forward John Paul Maguliano sa kanilang huling laban sa 95th NCAA basketball tournament.

Nagtala si 6-foot-2 Maguliano ng 26 puntos pero hindi sapat upang itaguyod ang Generals sa panalo kontra Arellano University Chiefs, 77-86.

Pero mananatiling huhugot ng lakas ang San Marcelino-based squad Emilio Aguinaldo College kay Maguliano pagharap nila sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa alas-kuwatro nang hapon sa JRU Gym sa Kalentong.

Tangan ang 1-4 karta, kailangan ng Gene­rals na makuha ang panalo upang hindi malubog sa ilalim ng team standings at manatiling may tsansa sa pag-usad sa susunod na phase.

Bukod kay Maguliano, kakapit din ang Generals kina Adrian Charles De Guzman at Jethro Mendoza na nagtala ng 12 at walong puntos ayon sa pagkakasunod sa kanilang talo sa Chiefs.

Tulad ng EAC, sadsad din sa kanilang huling asignatura ang Heavy Bombers, pinatahimik sila ng last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University Pirates, 77-95.

Kaya naman walang ibang nasa isipan ng Generals at Heavy Bom­bers kundi makabangon agad mula sa pagka­kadapa. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *