Magnolia kinasa ang BO3 kontra Ginebra

MAY Manila Clasico na naman sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

The post Magnolia kinasa ang BO3 kontra Ginebra appeared first on Abante News Online.

magnolia kinasa ang bo3 kontra ginebra - Magnolia kinasa ang BO3 kontra Ginebra
Abante 2019 Magnolia - Magnolia kinasa ang BO3 kontra Ginebra

MAY Manila Clasico na naman sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Nilampaso ng Magnolia Pamban­sang Manok ang NLEX 102-74 sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi para upuan ang No. 6.

Makakatapat ng Hotshots sa best-of-three quarters ang Ginebra.
Tinapos ng Hotshots ang kampanya sa 7-4.

Bago nagsarta ang first half ay kumonekta pa si Paul Lee, may 10 points sa second quarter, mula sa labas ng arc para itulak ang Magnolia sa 46-30 lead.

Sa third ay kinamada lahat ni Mark Barroca ang 14 points niya na sinandalan ng Hotshots sa 77-54 lead papasok ng fourth.

Mula roon ay hindi na bumitaw ang hukbo ni coach Chito Victolero.

Tumapos si Lee ng 26 points mula sa 6 for 9 shooting sa 3-point range.

Umayuda ng 15 points si Aldrech Ramos, may 10 pa si Ian Sangalang.

Pansamantalang natengga sa No. 7 ang Road Warriors sa 4-7 card, nakaabang sa resulta ng Ginebra-NorthPort game sa nightcap.

Puwedeng malaglag ang NLEX sa No. 8 at dadaan sa playoff para sa last quarters slot kapag nanaig ang Batang Pier.

Si Pedrito Galanza lang ang naka-double figures sa Road Warriors sa 10 markers. (Vladi Eduarte)

The post Magnolia kinasa ang BO3 kontra Ginebra appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *