Maginoo ang mga sabungero

SA mga nagdaang episode ng Usapang Ruweda, marami sa mga manonood ang nagkaroon ng kaalaman at dahil dito ay nabawasan ang mga kritiko.

The post Maginoo ang mga sabungero first appeared on Abante.

maginoo ang mga sabungero - Maginoo ang mga sabungero
Usapang ruweda - Maginoo ang mga sabungero

SA mga nagdaang episode ng Usapang Ruweda, marami sa mga manonood ang nagkaroon ng kaalaman at dahil dito ay nabawasan ang mga kritiko.

Kadalasan tumatatak sa karakter ng isang sabungero ang pagiging sugarol na nakakasira ng pamilya.

Subalit nabago ang pananaw ng ibang nakapanood dahil sa mga mensahe ng mga panauhin sa Usapang Ruweda na ipinapalabas tuwing Linggo 1pm-2pm.

Iisa halos ang sinasabi ng mga lady breeder na sina Maginie Yu, Rhona Bullecer at Sheryl Lomboy na ang sabungero ay mga maginoong tao kaya naman madali silang makagaanan ng loob.

Hindi lamang basta sport ang sabong, may epekto ito sa araw-araw na galaw ng mga sabungero.

Sa loob ng sabungan ay pinaiiral ang tiwala, respeto, sportsmanship at pagiging mabait sa kapwa sabungero.

May ilang mga tiwali subalit hindi ito pinapayagan at pinarurusahan agad upang hindi tularan ng iba.

Makikita sa sabungan na nagpapakawala ng libo-libong pera nang walang pinipirmahan o pinanghahawakang kontrata, salitaan lang at senyasan lang ng mga kamay ay sapat na sa pagtitiwala.

Maraming magagandang bagay ang pagsasabong, maraming nabuhay at guminhawa dahil sa sabong at ‘yan ang ibang malalaman sa mga darating na episode pa ng Usapang Ruweda. (Elech Dawa)

The post Maginoo ang mga sabungero first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *