Magic mani lang kay Giannis,Bucks

ISANG hakbang na lang sasampa na sa second round playoff ang Eastern Conference topnotcher Milwaukee Bucks.

The post Magic mani lang kay Giannis,Bucks first appeared on Abante.

magic mani lang kay giannisbucks - Magic mani lang kay Giannis,Bucks
Bucks 1 - Magic mani lang kay Giannis,Bucks

ISANG hakbang na lang sasampa na sa second round playoff ang Eastern Conference topnotcher Milwaukee Bucks.

Walang awang dinurog ng Bucks ang Orlando Magic matapos angkinin ang 121-106 panalo kahapon sa Game 4 ng 2019-2020 NBA playoffs na ginaganap sa Walt Disney World sa Florida.

Nagkumahog ang mga dumedepensa kay reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo kaya napakadali nitong itinarak ang 31 points, 15 rebounds at eight assists para sa Milwaukee na tangan ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Nakipagsabayan pa ang Magic sa unang tatlong period kung saan tatlong puntos lang ang kanilang hinahabol, 81-84, papasok ng fourth quarter.

Subalit sa bandang huli ay kumalas na ang Bucks para ilista ang importanteng panalo.

Tsansa ng Bucks na tapusin ang serye sa Game 5.

Namuno sa opensa para sa Magic si Nikola Vucevic na nagtala ng 31 puntos, 11 boards at seven assists. (Elech Dawa)

The post Magic mani lang kay Giannis,Bucks first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *