Lugi! SBP nireklamo bagong Fiba sched

Kinuwestiyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagbabago ng schedule ng mga laro sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Bahrain.

The post Lugi! SBP nireklamo bagong Fiba sched first appeared on Abante.

lugi sbp nireklamo bagong fiba sched - Lugi! SBP nireklamo bagong Fiba sched
sbp - Lugi! SBP nireklamo bagong Fiba sched

Kinuwestiyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagbabago ng schedule ng mga laro sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Bahrain.

Ito’y matapos na ianunsyo ng Korea na hindi sila sasalang sa 2nd window dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Dahil sa pag-atras ng Korea, apat na laro ang posibleng bunuin ng Gilas sa loob ng limang araw matapos na idagdag sa kanilang match-up ang Indonesia.

“We have been in discussions with Fiba and we want to follow the competition calendar where we’re supposed to play Thailand and Korea. We’re prepared to play two games against Thailand, and (one against) Korea,” lahad ni SBP President Al Panlilio.

“That is unfair to us. We want to follow the competition calendar given to us and that’s where we stand today,” aniya pa.

Saad naman ni SBP chairman Manny Pangilinan, dapat magkaroon ng parusa laban sa Korea dahil sa pag-atras sa kompetisyon.

“Korea has indicated that for their own reasons, they will not be able to participate. If the team doesn’t show up, I guess Fiba should impose sanctions whether financially or forfeit the game,” ayon kay Pangilinan. (RP)

The post Lugi! SBP nireklamo bagong Fiba sched first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *