Lowry, Raptors sinagad ang Celtics

MAUUWI sa Game 7 ang bakbakan sa pagitan ng defending champion Toronto at Boston matapos ikahon ng Raptors ang 125-122 double overtime win sa 2019-2020 NBA second round playoffs kahapon.

The post Lowry, Raptors sinagad ang Celtics first appeared on Abante.

lowry raptors sinagad ang celtics - Lowry, Raptors sinagad ang Celtics
abante raptors - Lowry, Raptors sinagad ang Celtics

MAUUWI sa Game 7 ang bakbakan sa pagitan ng defending champion Toronto at Boston matapos ikahon ng Raptors ang 125-122 double overtime win sa 2019-2020 NBA second round playoffs kahapon.

Kayod kalabaw ang halos walang pahingang si Kyle Lowry upang akbayan ang Raptors at itabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven match.

Nagtala ng importanteng puntos, depensa at steal si Lowry sa pangalawang OT upang itakas ang napakahirap na panalo sa Game 6 at manatiling may tsansa ang Toronto sa asam na back-to-back NBA championship.

Nirehistro ni Lowry ang 33 points, walong rebounds at anim na assists sa 53 minutong paglalaro.

Nakatuwang ni Lowry sa clutch si Norman Powell na tumarak ng tres sa homestretch.

Bumakas si Powell ng 23 markers habang 21 puntos, siyam na boards at pitong assists ang kinana ni Fred VanVleet para sa Raptors.

Namuno sa opensa para sa Celtics si Jalen Brown na may 32 puntos at 15 boards. (Elech Dawa)

The post Lowry, Raptors sinagad ang Celtics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *