Louganis na-in love sa ‘Pinas

ILANG araw pa lang ang world champion diver na si Greg Louganis sa bansa, tila nahumaling na agad ito sa angking ganda ng tinuring na ‘Pearl of the Orient’.

The post Louganis na-in love sa ‘Pinas appeared first on Abante News Online.

louganis na in love sa pinas - Louganis na-in love sa ‘Pinas
aas - Louganis na-in love sa ‘Pinas

ILANG araw pa lang ang world champion diver na si Greg Louganis sa bansa, tila nahumaling na agad ito sa angking ganda ng tinuring na ‘Pearl of the Orient’.

“It’s been wonderful,” bulalas ng 59-an­yos na greatest American diver at four-time Olympic champion. “It’s such as spectacular surrounding, it has an incredible backdrop. It’s my first time here, what better place to be, I’m just in awe.”

First time sa bansa ni Louganis, na kila­lang maninisid tapos masungkit ang apat na Olympic gold, para sa Red Bull Cliff Diving World Series kung saan siya ang sports director.

Ngunit ito na agad ang isa sa kanyang mga paboritong di­ving spot, nalaglag ang panga niya aniya sa ganda ng Miniloc Island ng El Nido, Palawan, na gumagawa ng ingay ngayon matapos aprubahan ang paghahati nito sa tatlong probinsya.

“I have to say Oman and the Philippines are kind of neck and neck. Both are very remote areas that it’s really hard to get to so it has certain challenges but those sometimes are the best because you really feel in nature and you’re embraced by nature and that’s the heart of cliff diving,” ayon sa dayuhan.

Saad nito, naging paborito niya ang Miniloc Island dahil sa angking hirap ng diving spot na ito na magiging pagsubok sa kahit sinong diver.

“What’s around the corner, what’s through this little hole to get to the venue and to have that backdrop, the sheer cliffs, the gorgeous water is stunning,” dagdag pa ni Louganis.

Pinanapos niya, na kung kanyang susubukan ang cliff diving sa kauna-unahang pagkakataon, gagawin niya ito sa ‘Pinas.

The post Louganis na-in love sa ‘Pinas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *