Lorena ‘last man standing’ sa Rosendo Balinas Chess

PINAGHARIAN ni National Master Carlo Lorena ang katatapos na 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St., Lucban, Quezon.

lorena last man standing sa rosendo balinas chess - Lorena ‘last man standing’ sa Rosendo Balinas Chess
chess1 - Lorena ‘last man standing’ sa Rosendo Balinas Chess

PINAGHARIAN ni National Master Carlo Lorena ang katatapos na 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St., Lucban, Quezon.

Ang dating Colegio San Juan De Letran standout ay nakalikom ng 6 points para maisubi ang champion’s purse P7,000 at trophy.

Pumangalawa si FM Randy Segarra matapos ilista ang five points para matangap ang P5,000 at medal.

May 4.5 pts. si Dandel Fernandez ng Maynilad para makisalo sa third hanggang fifth spots na kinabibilangan nina Phili­ppine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor ng Sibuyan Island, Romblon at Dr. Alfred Paez ng Cabuyao, Laguna.

Nakopo naman ni Joselito Cada (4 pts.) ng Lucban ang Top Under 2200 award habang naibulsa naman ni National Master Efren Bagamasbad (3 pts.) ng Quezon City ang Top Senior plum.

Nakaungos si Henry Boroc ng Bicol kay Andrew Sorima ng Makati City sa tiebreak points para magkampeon sa challenger’s division.

Ang dalawang manlalaro ay nakapagtatak ng tig five point sa seven rounds.
Hinirang na category winners ay sina Felicito Gaela (Top Unrated), Rober Aram Gendrano (Top 1800) at Gerardo Villa (Top Quezon).

Si National Master Rudy Ibanez ang nagsilbing Chief Arbiter sa nasabing rapid chessfest. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *