Lillard balik sa pagra-rap

Balik sa pagkanta ng rap song si NBA superstar Damian Lillard o kilala din sa kanyang rap persona na “Dame D.O.L.L.A”.

The post Lillard balik sa pagra-rap first appeared on Abante.

lillard balik sa pagra rap - Lillard balik sa pagra-rap
damian 1 - Lillard balik sa pagra-rap

Balik sa pagkanta ng rap song si NBA superstar Damian Lillard o kilala din sa kanyang rap persona na “Dame D.O.L.L.A”.

Ngunit hindi kagaya ng kanyang mga naunang kanta, sa isang American subscription video service naman bumida ang Portland Trail Blazers point guard.

Ipinasilip ng All-Star playmaker sa kanyang Instagram post ang kanyang “HULU Doesn’t Just Have Live Sports” official music video.

Matatandaan na kahit sa ‘bubble’ season ng NBA noong nakaraang taon ay nagre-record pa rin ng kanta ang sikat na basketbolista.

Napabalita noon na nilagyan ng mga microphone, headphones, laptop na may recording software at audio interface ang kwarto ni Lillard sa loob ng bubble habang mayroon rin itong makapal na carpet upang magkaroon ng quality sound ang kanyang mga tugtog.

Nito ring nagdaang taon, nag-release ng kantang “Blacklist”- kanta patungkol sa police brutality kontra sa Black people ang 30-year-old cager. (JAToralba)

The post Lillard balik sa pagra-rap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *