LGBA sisiklab ngayon sa Pasay

Mula sa 81 entry, malalaman ang kampeon ng ‘Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-Bullstag Derby’ sa Pasay City Cockpit ngayong Lunes, Marso 25.

The post LGBA sisiklab ngayon sa Pasay appeared first on Abante News Online.

lgba sisiklab ngayon sa pasay - LGBA sisiklab ngayon sa Pasay
sabong 3 2 - LGBA sisiklab ngayon sa Pasay

Mula sa 81 entry, malalaman ang kampeon ng ‘Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-Bullstag Derby’ sa Pasay City Cockpit ngayong Lunes, Marso 25.

Sampu ang may kartadang 3-0 (panalo-talo) na kinabibilangan nina Jimmy Junsay/Dennis Reyes ng Sto. Nino Guadalupe Jared, Carlos Tum­palan ng Red Bull Uno, Aristotle Aguirre ng Lightning Blade Alexa, Larry Villacorte ng HCV Balasing Negro.

Maging sina John/Kenneth Liao ng June 29 Polangui 5-Cock Jade Red, Ronald Barandino ng RCB Basilan Reload Plus Excellence, Erick Abella ng Tiny Bubbles, Mamad Villarubio ng Legend Kenvert Rancho Minero, Rep. JB Bernos ng Abra at Buddy Robrigado ng Big R Farms.

Higit 90 sultada ang nakalinya sa  4-bullstag finals sa araw na ito na hatid ng Sagupaan Superfeeds at ­Complexor 3000.

Idedeklara ang 2019 LGBA Cocker of the Year tapos ng third leg, ang ‘Encuentro 5-Bullstag Derby’ sa Abril 12. 

Kasunod sa PCC ang may 150 sultada na ‘Be My Guest 5-Cock Derby’ ni pit manager Gerald So sa Biyernes, Mar. 29.

Sa iba pang mga impormasyon, tawagan sina Eric at Ace sa 0945-4917474, (0939-4724206, 843-1746 at 816-6750.

The post LGBA sisiklab ngayon sa Pasay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *