Leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic

Pinatunayan ng isang bayan sa Southern Leyte na hindi kailangang gumastos ng malaki para makapagpatayo ng quarantine facility para sa mga posibleng tinamaan ng COVID-19.

The post Leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic first appeared on Abante.

leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic - Leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic
abante leyte - Leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic

Pinatunayan ng isang bayan sa Southern Leyte na hindi kailangang gumastos ng malaki para makapagpatayo ng quarantine facility para sa mga posibleng tinamaan ng COVID-19.

Binahagi ng Department of Social Welfare and Development Region VIII ang binubuong pasilidad sa bayan ng Saint Bernard sa naturang lalawigan, na yari sa mga eco-brick at mga bote ng plastik.

Ang naturang proyekto ay swak sa pondong P10M ng DSWD R8, kung saan maglaalgay ng walong bloke ng mga plastic bottle para maging bakod ng naturang quarantine facility, habang eco-brick naman ang gagamitin para sa sahig nito.

Ilalagay sa naturang COVID-19 facility ang mga suspected patient pati na rin sa mga locally stranded individual (LSI) na nagsisiuwian sa kanilang bayan.

Saint Bernard Mayor Manuel Calapre said the initiative helps people cope with the COVID-19 pandemic while continuing to care for the environment.

“It is a way to encourage people not to only face the pandemic but also to make use of the plastics in a beneficial way and it also serves as the local counterpart to the program,” ayon kay Saint Bernard Mayor Manuel Calapre.

The post Leyte quarantine facility gawa sa patapong plastic first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *