Lemon Drop Title kinoronahan sa PHILRACOM 4-YO & Above Race

KAHIT bugaw sa largahan, hindi nataranta si Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee O’Neal Cortez sa pagdadala kay Lemon Drop Title.

The post Lemon Drop Title kinoronahan sa PHILRACOM 4-YO & Above Race appeared first on Abante News Online.

lemon drop title kinoronahan sa philracom 4 yo above race - Lemon Drop Title kinoronahan sa PHILRACOM 4-YO & Above Race
Untitled 3 39 - Lemon Drop Title kinoronahan sa PHILRACOM 4-YO & Above Race

KAHIT bugaw sa largahan, hindi nataranta si Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee O’Neal Cortez sa pagdadala kay Lemon Drop Title.

Humarurot si Lemon Drop Title upang sikwatin ang panalo sa 2019 PHILRACOM “4-Year-Old & Above Open Stakes Race” na ginanap sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas Linggo ng hapon.

Nasa likuran ang winning horse sa largahan at habang binabaybay ang 1,400-meter race ay pinapanood nito ang kakamping si Smokin’ Saturday na may tangan ng bandera hanggang far turn.

Nasulyapan ni class A rider Cortez na nanghihina na si Smokin’ Saturday kaya gumalaw na ito para makuha ang unahan sa rektahan.

“Nagmasid muna kami sa likuran tutal nasa unahan naman si Smokin’ Saturday tapos habang lumalapit na sa far turn ay nakita kong kinakapos na ‘yung stablemate namin kaya nagtrabaho na kami ni Lemon drop Title,” hayag ni Cortez.

Tinawid ni Lemon Drop Title ang meta na may apat na kabayo ang distansiya sa nasegundong si Summer Romance, umoras ito ng 1:23.2 minuto.
Naibulsa ni owner Bobby Inigo ang P300,000 na premyo habang P112,500 ang kinalawit ng may-ari ni Summer Romance.

Tumersero si Salt And Pepper na humamig ng P62,500 ang owner nito habang P25,000 ang napunta sa may-ari ng fourth placer Lakan. (Elech Dawa)

The post Lemon Drop Title kinoronahan sa PHILRACOM 4-YO & Above Race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *