Lee takot magsolo

NAKAKAPANIBAGO, posibleng mauwi sa pagkabagot, ang tagal ng pananatili sa PBA bubble sa Clark.

The post Lee takot magsolo first appeared on Abante.

lee takot magsolo - Lee takot magsolo
Paul Lee 2 - Lee takot magsolo

NAKAKAPANIBAGO, posibleng mauwi sa pagkabagot, ang tagal ng pananatili sa PBA bubble sa Clark.

Higit dalawang buwan kung tutuusin na Quest Hotel-AUF gym-Quest Hotel lang ang routine ng players.

Paano ang in-between games at practices?

“Una, baka siguro makakaapekto dito ‘yung routine mo. Mababago, eh,” pahayag ni Paul Lee sa 2OT webcast. “Like, ‘di ka matutulog sa sarili mong kama, ‘di mo kasama family mo. ‘Yun ang mabigat du’n.”

Bugbog ang katawan sa halos tatlong beses na salang sa isang linggo, magkakaroon din ng mental fatigue ang players.

“Siguro dito, more on mental ang mangyayari,” dagdag ng Magnolia veteran guard.

Sila-sila ang nagkakakitaan araw-araw sa bubble. Walang mapagkuwentuhan.

“Alam mo ‘yung sobrang sama ng laro mo tapos ikaw lang sa loob ng kuwarto?” punto ng Angas ng Tundo. “’Yun ang mental.” (VE)

The post Lee takot magsolo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *