Lee, Magnolia sinalya ang Dyip

PINATALSIK ng Magnolia ang Terrafirma Dyip matapos iuwi ang 103-89 panalo kahapon sa unang banatan ng triple header sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post Lee, Magnolia sinalya ang Dyip first appeared on Abante.

lee magnolia sinalya ang dyip - Lee, Magnolia sinalya ang Dyip
abante paul lee 1 - Lee, Magnolia sinalya ang Dyip

PINATALSIK ng Magnolia ang Terrafirma Dyip matapos iuwi ang 103-89 panalo kahapon sa unang banatan ng triple header sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Ibinuhos ng Hotshots ang kabuuang 28 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan ang Dyip sa 14 lamang upang agad na selyuhan ang ikalawang sunod na panalo sa loob walong laro at pasikipin ang pag-aagawan para sa unang apat na puwesto tungo sa quarterfinals.

Muling pinamunuan ni Paul Lee ang Hotshots sa pagtatala ng 29 puntos, tampok ang 5-of-8 sa tres at kasama ang 3 rebounds, 1 assist at 1 steal.

Nalasap ng Dyip ang ikapitong sunod na pagkatalo at kailangan na ipanalo ang natitirang apat na laro upang umasa na makahabol sa pinaglalaban na ikawalo at huling puwesto sa quarterfinals.

Nagkagirian naman sina Glen Khobuntin ng Dyip at Ian Sangalang ng Hotshots kung saan kapwa natawagan ng technical foul sa ikaapat na yugto .

Pinilit ng Dyip na makalayo sa ikalawang yugto matapos na itala ang 10 puntos na abante sa isang tres ni Roosevelt Adams, 38-28, sa 5:54 minuto. (Lito Oredo)

The post Lee, Magnolia sinalya ang Dyip first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *