Lee alaskado kay kumander

Dahil bawal pa ang pag-alis alis at paggala kung saan-saan, puro throwback na lang muna ang ilang PBA player.

The post Lee alaskado kay kumander first appeared on Abante.

lee alaskado kay kumander - Lee alaskado kay kumander
Paul Lee 6 - Lee alaskado kay kumander

Dahil bawal pa ang pag-alis alis at paggala kung saan-saan, puro throwback na lang muna ang ilang PBA player.

Isa riyan si Magnolia Hotshots guard Paul Lee, isang larawan mula Disyembre 29, 2016 ang ipinost nito sa kanyang Instagram story.

Pormal na pormal ang datingan ni Lee na nakausot ng barong kasama ang kanyang misis.

Inilagay din ito ng kanyang misis na si Rubie sa kanyang saeiling IG story sabay sabing, “kagalang galang ka dyan hubby, ” na may pang-asar na emoji.

Minsan lang magbihis si Lee ng disente at pormal kaya naman nakakita ng pagkakataon ang misis nito na siya’y alaskahin.

Madalas ang palitan at sagutan ng mag-asawa sa social media na ikinakatuwa ng kanilang mga follower. (Sarah Jireh Asido)

The post Lee alaskado kay kumander first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *