Lee aatake sa Magnolia

UNAHAN sa win-column ng Philippine Cup ang NLEX at Magnolia sa second game mamaya sa AUF gym sa Angeles, Pampanga.

The post Lee aatake sa Magnolia first appeared on Abante.

lee aatake sa magnolia - Lee aatake sa Magnolia
abante paul lee - Lee aatake sa Magnolia

Mga laro ngayon (AUF gym)
4:00pm – Meralco vs. Alaska
6:45pm – Magnolia vs. NLEX

UNAHAN sa win-column ng Philippine Cup ang NLEX at Magnolia sa second game mamaya sa AUF gym sa Angeles, Pampanga.

Pitong buwan na hindi nasundan ang 0-1 record ng Hotshots, biktima ng San Miguel Beer 94-78 sa opening night ng 45th season noon pang March 8. Makalipas ang tatlong araw, kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.

Nag-restart ang all-Filipino sa Clark bubble, nadiskaril ang Road Warriors sa Ginebra 102-92 sa umpisa ng balik-laro noong Linggo.

Pumupukpok pa ang NLEX bago na-eject si JR Quinahan sa third quarter dahil sa dalawang technicals. Lumabas ang big man na mayroon nang career-high 26 points na nagpanatili sa kanila sa laro.

May 16 points, 5 rebounds at 8 assists si Kevin Alas, pero malamyang 2 of 8 ang shooting ng tandem niya sa NLEX backcourt na si Kiefer Ravena.

Pumasok ng bubble ang Magnolia na wala sina veterans Marc Pingris at PJ Simon. Nagpapa-rehab pa ng re-injured foot si Pingris, nag-retire si Simon.

Sina Jackson Corpuz at rookie Aris Dionisio muna ang salitang pupuno sa slot ni Ping, 39 na sa Biyernes.

“Okay naman kami sa frontcourt, kasi nandiyan pa sina Ian Sangalang, Rafi Reavis and Kyle Pascual,” ani coach Chito Victolero.

Sina guards Paul Lee, Mark Barroca at Jio Jalalon ang magmamando sa atake ng Hotshots. (VE)

The post Lee aatake sa Magnolia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *