LeBron sulong sa 2nd round

PINAUWI na ng Los Angeles Lakers ang Trail Blazers sa bisa ng 131-122 panalo sa Game 5 nitong Sabado sa Orlando bubble.

The post LeBron sulong sa 2nd round first appeared on Abante.

lebron sulong sa 2nd round - LeBron sulong sa 2nd round
king james - LeBron sulong sa 2nd round

PINAUWI na ng Los Angeles Lakers ang Trail Blazers sa bisa ng 131-122 panalo sa Game 5 nitong Sabado sa Orlando bubble.

Wala si boy wonder Damian Lillard pero nakipagpukpukan ang Portland, naiwan na lang nang kumalas sa fourth quarter ang LA.

Tinapos ang Blazers 4-1, sampa na sa second round si LeBron James at ang Lakers.

Umalis ng bubble si Lillard para patignan ang injured na tuhod. Inabot din siya ng dislocated index finger sa series.

Wala rin sa Portland sina injured Trevor Ariza, Rodney Hood at Zach Collins.

Nasilat sa series opener ang Lakers bago tinuhog ang sumunod na apat na laro.

Hihintayin ng LA ang winner sa hiwalay na serye ng Houston at Oklahoma City. Abante ang Rockets 3-2.

Pasabog si James ng triple-double na 36 points, 10 rebounds at 10 assists, naglista si Anthony Davis ng 43 points at 9 rebounds. May 14 pa si Kentavious Caldwell-Pope.

Binanderahan ng 36 points, 6 rebounds at 7 assists ni CJ McCollum ang Portland, nag-ambag ng 27 markers si Carmelo Anthony. (Vladi Eduarte)

The post LeBron sulong sa 2nd round first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *