LeBron MVP!

KAPAG inaprubahan na ituloy ang NBA season ngayong taon ay tatlong tigasing player ang malaki ang tsansang mahirang na Most Valuable Player (MVP).

lebron mvp - LeBron MVP!
abante lebron 6 - LeBron MVP!

KAPAG inaprubahan na ituloy ang NBA season ngayong taon ay tatlong tigasing player ang malaki ang tsansang mahirang na Most Valuable Player (MVP).

Nangunanguna sa standings sa Eastern Conference ang Milwaukee Bucks na inaakbayan ni reigning MVP Giannis Antetokounmpo habang angat sa Western Conference ang Los Angeles Lakers na ginagabayan ni four-time MVP LeBron James.

Kasama rin si Kawhi Leonard ng LA Clippers sa mga posibleng maging MVP.

Para kay Portland Trail Blazers star Damian Lillard, napipisil nito si James na maging MVP kapag tatapusin ang 2019-2020 season sinabi niya ito sa kanyang interview sa ESPN nina Jalen at Jacoby.

“This season I think it’s LeBron,” hayag ni Lillard.

“They’re the No. 1 team in the west, they’ve been consistent all year long, and for him to be at the age he’s at with the amount of miles that he has on his body, how often he’s talked about the pressure that they’ve put on him in every little thing that he does. At the level he’s performing at, in my opinion, I think he’s the MVP.”

Kasama sa pinagbasehan ang huling panalo ng Lakers sa Bucks at Clippers kung saan ay malaking instrumento ang ginawa ni James.

Samantala, pinag-uusapan pa rin ang paglarga ng NBA sa Agosto kung saan gagawin ito sa Disney World. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *