LeBron, Lakers takot masilat

SI LeBron James ang higit na nakakaalam na hindi pa dapat isini-celebrate ang 3-1 lead sa NBA Finals.

The post LeBron, Lakers takot masilat first appeared on Abante.

lebron lakers takot masilat - LeBron, Lakers takot masilat
abante lakers 6 - LeBron, Lakers takot masilat

SI LeBron James ang higit na nakakaalam na hindi pa dapat isini-celebrate ang 3-1 lead sa NBA Finals.

Pinangunahan niya ang Cleveland Cavaliers na umahon sa parehong series deficit noong 2016 laban sa powerhouse Golden State Warriors.

Nasa commanding position naman si LeBron ngayon, isang panalo na lang ang kailangan ng Los Angeles Lakers para itaas ang 17th championship banner.

Puwede nilang gawin ‘yun sa Game 5 ngayon, pero hindi pa kuntento si James.

Pagkatapos ng 102-96 Game 4 victory sa Miami, sinabi ni LeBron na hindi siya makakatulog nang maayos hangga’t hindi hawak ang Larry O’Brien Trophy.

“We understand what’s at stake,” ani James postgame. “The job is not done.”

Nagpahinga ng dalawang araw, dapat daw na hindi mawala ang focus.

Tinapos ni LeBron ang Game 4 sa team-high 28 points, may 12 rebounds at 8 assists, 10 of 12 mula sa free throw line.

May 22 markers at 9 boards si Anthony Davis, pero ang pinuri ni Lakers coach Frank Vogel ay ang take-charge mentality ni Kentavious Caldwell-Pope na tumapos ng 15 points.

“He’s a confident young man,” ani Vogel sa walang kabog na atake ni KCP sa dulo. “He’s been a huge part of our success this year for what he does on both ends of the floor.” (VE)

The post LeBron, Lakers takot masilat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *