LeBron, Lakers rumesbak

NALIGTASAN ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang late fightback ng Houston Rockets nang kumpletuhin ang 117-109 win sa West semis nitong Linggo sa Orlando bubble.

The post LeBron, Lakers rumesbak first appeared on Abante.

lebron lakers rumesbak - LeBron, Lakers rumesbak
abante lakers 2 - LeBron, Lakers rumesbak

NALIGTASAN ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang late fightback ng Houston Rockets nang kumpletuhin ang 117-109 win sa West semis nitong Linggo sa Orlando bubble.

Naiganti ng Lakers ang 112-97 loss sa Game 1.

Kampante na sa unahan ang LA 67-51 sa break, pagbalik ay biglang nagliyab ang 3-point shooting ng Rockets.

Nataranta ang depensa ng Lakers sa siyam na 3-pointers na ibinaon ng Houston sa third quarter lang para agawin ang manibela 92-90 papasok ng fourth.

Kanya-kanyang chip-in sa opensa sa final quarter sina James, Anthony Davis, Kyle Kuzma, Danny Green, Rajon Rondo Alex Caruso at Markieff Morris para ipreserba ang series-tying win.

Babasagin ng magkatunggali ang pagkakabuhol sa 1-1 sa Game 3 bukas.

Tumapos si LeBron ng 28 points, 11 rebounds, 9 assists at 4 steals.

Do-it-all din si Davis sa isinumiteng 34 points, 10 rebounds, 4 assists at isang sundot sa bola na kumalang at naipit sa backboard.

Nagdagdag ng 16 si Morris, may 10 points at 9 assists si Rondo.

Hindi pa nakakaabot sa final 12 minutes, may 20 3-pointers sa laro na ang Houston.

Gumatilyo ng tres sa third sina James Harden, Russell Westbrook, Eric Gordon, Robert Covington at PJ Tucker.

Tumapos ng double figures ang lahat ng starters ng Houston sa pangunguna ng 27 ni Harden na may 7 assists pa. Umayuda ng 24 si Gordon, may 18 points at 11 rebounds si Tucker. (VE)

The post LeBron, Lakers rumesbak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *