LeBron James nagkalat: Miami nagliyab sa triple ‘D’ ni Jimmy

SINAMANTALA ng Miami Heat ang pagkakalat ni LeBron James sa fourth quarter, sumandal sa all around game ni Jimmy Butler para itarak ang 115-104 victory sa Game 3 ng 2020 NBA Finals kahapon sa Orlando bubble.

The post LeBron James nagkalat: Miami nagliyab sa triple ‘D’ ni Jimmy first appeared on Abante.

lebron james nagkalat miami nagliyab sa triple d ni jimmy - LeBron James nagkalat: Miami nagliyab sa triple ‘D’ ni Jimmy
jimmy and james - LeBron James nagkalat: Miami nagliyab sa triple ‘D’ ni Jimmy

SINAMANTALA ng Miami Heat ang pagkakalat ni LeBron James sa fourth quarter, sumandal sa all around game ni Jimmy Butler para itarak ang 115-104 victory sa Game 3 ng 2020 NBA Finals kahapon sa Orlando bubble.

Mula tipoff ay hindi naalis ang ngiti ni Butler, kahit wala sina Bam Adebayo at Goran Dragic ay pinamunuan ang Heat na idikit sa 1-2 ang best of seven series.

Kumana si Jimmy ng triple-double na 40 points, 11 rebounds at 13 assists.

“Win,” simpleng tugon ni Butler nang tanungin ang mindset papasok ng laro. “I don’t care about a triple-double, I don’t care about none of that. I really don’t. I want to win.”

Naigapos sa combined 40 points sina James at Anthony Davis, na maagang na-foul trouble.

Tumapos ng 25 markers, 10 boards at 8 dimes si LeBron, pinantayan ang pangit na career playoffs 8 turnovers, apat sa final canto.

May tig-19 sina reserve Markieff Morris at Kyle Kuzma, pero hindi sapat ang produksiyon ng star duo ng Lakers.

Nakapag-deliver ng 17 points off the bench si Kelly Olynyk para sa Heat, umiskor pa ng double digits ang tatlong starters na sina Tyler Herro (17), Duncan Robinson (13) at Jae Crowder (12).

Agresibo sa umpisa pa lang si Butler, pero mukhang kalmado.

Nagbaon si Butler ng basket para ilayo ang Miami ng siyam papasok ng final minute, pagkatapos ay mababasa sa kanyang bibig na sinasabi: “They’re in trouble.” (Abante Sports)

The post LeBron James nagkalat: Miami nagliyab sa triple ‘D’ ni Jimmy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *