Lebron bida, inakay Lakers sa Finals tapos ng 10 taon

BINIDAHAN ni LeBron James ang anim na Los Angeles Lakers player na mga umiskor ng mahigit 10 puntos para sibakin ang Houston Rockets sa Game 5, 119-96, at umakyat sa 74th NBA western conference sa Orlando, Florida nitong Sabado (Linggo sa Maynila).

The post Lebron bida, inakay Lakers sa Finals tapos ng 10 taon first appeared on Abante.

lebron bida inakay lakers sa finals tapos ng 10 taon - Lebron bida, inakay Lakers sa Finals tapos ng 10 taon
Lebron James 1 - Lebron bida, inakay Lakers sa Finals tapos ng 10 taon

BINIDAHAN ni LeBron James ang anim na Los Angeles Lakers player na mga umiskor ng mahigit 10 puntos para sibakin ang Houston Rockets sa Game 5, 119-96, at umakyat sa 74th NBA western conference sa Orlando, Florida nitong Sabado (Linggo sa Maynila).

Kumana ang NBA superstar ng 28 points, 11 rebounds at 7 assists upang tapusin ang may isang dekadang tagtuyot ng kampo sa finals at sarili noong 2018 sa bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

“It’s the reason I wanted to be a part of this franchise, to take them back to a place they were accustomed to being and that’s compete for a championship,” bulalas ni James, na humugot ng 13 markers at 11 boards kay front court partner Anthony Davis.

Natisod sa Game 1 ang LAL nang mabulaga sa bilis ng small lineup ng Houston, pero tumayo agad ang WC topnotcher na tinapos ang serye sa 4-1. Makakatuos sa finals ang mananalo sa Los Angeles Clippers at Denver Nuggets.

Bumakas si Kyle Kuzma ng 17 pts., si Markieff Moris ng 16, si Danny Green ng 14 at si Kentavious Caldwell-Pope ng 10. Namuno sa opensa para sa Rockets si James Harden na may 30 puntos. (Elech Dawa)

The post Lebron bida, inakay Lakers sa Finals tapos ng 10 taon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *