Last 5 days ng LBC stagfest

LIMANG araw pa ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series, may premyong P10 milyon, ang bibira sa Pasay City Cockpit umpisa sa Biyernes, Aug. 16.

last 5 days ng lbc stagfest - Last 5 days ng LBC stagfest
sabong13 - Last 5 days ng LBC stagfest

LIMANG araw pa ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series, may premyong P10 milyon, ang bibira sa Pasay City Cockpit umpisa sa Biyernes, Aug. 16.

Mga sumabak sa set B group ang lalaban sa 3-stag semifinals sa Biyernes hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ayon kay Nick Crisostomo, presidente ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), puwedeng sumali sa CC sa huling elims/semifinals sa Aug. 19 at 23 (set C).

Ang final rounds ay sa Aug. 26 (2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points) at Aug. 30 (4.5 aT 5 points.).

Bitaw ang LBC series bukas sa Renzo Cockpit Arena Sta. Maria (Bulacan), Luisiana Coliseum (Laguna), Kaybiga Cockpit Arena (Kalookan), Manila Cockers Club (Cavite) at Camsur Sports Arena (Bicol).

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *