Laking promdi pala! Tim Cone pusong Pinoy, feeling turista sa Amerika

Sinong mag-aakala na promdi pala ang PBA winningest coach na si Ginebra tactician na si Tim Cone?

The post Laking promdi pala! Tim Cone pusong Pinoy, feeling turista sa Amerika first appeared on Abante.

laking promdi pala tim cone pusong pinoy feeling turista sa amerika - Laking promdi pala! Tim Cone pusong Pinoy, feeling turista sa Amerika
time cone - Laking promdi pala! Tim Cone pusong Pinoy, feeling turista sa Amerika

Sinong mag-aakala na promdi pala ang PBA winningest coach na si Ginebra tactician na si Tim Cone?

Kinuwento ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III ang pagkabata ni Cone at kung papaano ito napunta sa Pilipinas sa ‘Facts Break’ segment ng ‘Sportalakan’.

“Yung magulang niya na-assign dito sa Quezon, dito nagtrabaho,” kwento ni Mangonon. “So mga 9-years old siya, lumipat na siya dito sa Pilipinas… hindi dito sa Maynila, sa Baler, Quezon pa.”

Lahad ni Mangonon, ang mga magulang ni Cone ay naging parte ng reforestration project sa mga kabundukan sa bansa, at dito na nag-aral si Cone mula elementary hanggang high school.

Nag-aral sa isang international school si Tim matapos lumipat ng Maynila, at dito niya naging kaibigan si Wilfred Uytengsu na kalauna’y naging team owner ng Alaska.

Bumalik si Cone sa Amerika para doon mag-aral ng kolehiyo, matapos nito ay bumalik sa Pilipinas at nagsimula ng coaching career ni Cone sa Alaska noong 1989.

“Kung tatanungin mo ako, I consider myself Pilipino. Pag pumupunta akong US, nagbabakasyon lang ako. Turista lang ako doon,” kwento ni Mangonon sa sinagot ni Cone nang tinanong tungkol sa pagiging Pinoy nito. (Ray Mark Patriarca)

The post Laking promdi pala! Tim Cone pusong Pinoy, feeling turista sa Amerika first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *