Lakers iginapang nina James, Davis

Iginapang ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang manipis na 94-92 panalo kontra Memphis Grizzlies Martes ng gabi.

The post Lakers iginapang nina James, Davis first appeared on Abante.

lakers iginapang nina james davis - Lakers iginapang nina James, Davis
Lakers - Lakers iginapang nina James, Davis

Iginapang ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang manipis na 94-92 panalo kontra Memphis Grizzlies Martes ng gabi.

May 65 seconds na lang sa orasan at kumakapit ang Lakers sa 86-83 lead, inikutan ni LeBron si Dillon Brooks bago pinakawalan ang fadeaway jumper.

Matapos ilayo ang team sa anim, inalaska pa ni James si Brooks.

Parehong high-scoring teams ang Lakers at Grizzlies pero pareho ding hindi bumabagsak sa net ang mga tira.

Katiting na 45 points lang ang kinaya ng LA sa halftime at 67 pagkatapos ng three. Nagawan nila ng paraan para ipreserba ang panalo.

Sa kabila ay 49 points ang Memphis pagkatapos ng first 36 minutes,

Tumapos si James ng 26 points sa 11 of 20 shooting, may 11 rebounds ay 7 assists pa.

Naka-26 din ang partner niyang si Anthony Davis na pinalamutian ng 10 rebounds, 4 assists, 3 steals at 3 blocks.

Si Dennis Schroder na lang ang ibang Laker nan aka-double-digits sa isinumiteng 12 points.

May tig-13 points sina Jonas Valanciunas, Brooks at Gorgui Dieng para sa Memphis. Humablot ng 11 boards si Valanciunas. (VE)

The post Lakers iginapang nina James, Davis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *